Maikling Kwento - Teoryang Feminismo - Markismo
Sa Ngalan ng Pangarap
ni: RJ Madre
Ngayon, isa na akong matagumpay na
guro. Naiahon ko na rin sa hirap ang aking pamilya. Nakakakain na rin kami ng
maayos hindi tulad dati. May kongkretong bahay na rin kami ngayon. Tawagin
ninyo na lang akong Mylene hindi ko tunay na pangalan. Nais kong ibahagi sa
inyo ang ilang pahina ng aking buhay kung paano ko naabot ang aking mga
pangarap.
Malaki ang tiwala ng aking ina sa akin
na ako ang mag-aahon ng aming pamilya sa kahirapan. Hindi ko maaatim na mabigo
ko siya, gagawin ko ang lahat para magtagumpay sa buhay. Tatlo kaming
magkakapatid. Ako na lamang ang tanging inaasahan ng aking ina dahil ang tatay
ko ay sumakabilang bahay na at ang dalawa kung kapatid ay maagang nabuntis.
Parehas silang hindi pinalad sa kanilang mga kasintahan. Silang dalawa ay
iniwan pakatapos ng lahat. Wala naman silang maiaambag sa gastusin sa bahay
dahil kulang pa sa gatas at pagkain ng kanilang anak ang kita nila. Kaya’t
nangako ako sa sarili ko na iaahon ko ang aking pamilya sa kahirapan at hindi
ako matutulad sa aking mga kapatid.
Nagporsige akong makapag – aral sa
kolehiyo kahit kapos kami sa pera. Sa tulong ng aming butihing punong barangay
ay nakapag – aral ako sa kolehiyo. Ang tanging hiling lang niya ay huwag akong
gumawa ng kalokohan para suportahan niya ako hanggang makatapos sa pag – aaral.
Malayo ang kolehiyo sa aming lugar
kaya’t napilitan akong mangupahan. Naging madalang ang pag – uwi ko sa amin
dahil sa kakaposan ng pera. Nanghihinayang ako sa pera na gagastusin sa
pamasahe. “Maidadagdag ko pa ito sa pambili ng pagkain at mga gamit na
kailangan ko sa paaralan” wika ko sa aking sarili. Dumating sa panahon na
nangungulila ako sa aking pamilya lalo na sa aking inay. Hindi na kayang punan
ng mga larawan ang aking pangungulila. Sinubukan ko na balewalain ang
pangungulilang ito na aking nadarama sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan.
Nakisalamuha ako sa mga babae na kasamahan ko sa bahay na inuupahan. Nguit
hindi ito tumagal na pagkakaibigan dahil may mga bagay sila na ginagawa na
ganap kong tinututulan, tulad na lamang ng pag – inom at paninigarilyo.
Iniiwasan ko ang ganitong gawain dahil naalala ko ang sinabi ng aming punong
barangay saakin at isa pa, makakaapekto ito sa aking pag – aaral.
Ang aking kalungkutan ay nabawasan ng
dumating sa aking buhay si Cris. Siya ay aking kamag –aral sa CWTS. Siya ay
matipono, makisig at kabigha – bighani. Inalok niya ako ng pagkakaibigan, hindi
na ako nagdalawang isip na tanggapin ang kanyang alok. Tinanggap ko siya sa
aking buhay hindi dahil sa kanyang pisikal na katangian kundi dahil nadama ko
na mapagkakatiwalaan ko siya.
“Kain tayo sa labas pagkatapos ng
klase?” pagyayaya ni Cris.
“Sige ba!” mabilis na tugon ko.
Lumipas pa ang ilang buwan at nagpatuloy
itong masayang gawain naming ni Cris. Masaya kami kapag magkasama. Mas lalo
akong nagkaroon ng sigla na pumasok sa
CWTS dahil alam ko na makikita ko si Cris at pagkatapos ng klase kami ay kakain
sa labas. Dahil kay Cris nalimutan ko ang mga problema na aking pinagdadaanan.
Sumigla ang aking paligid at mas nagkaroon ng kulay ang buhay para sa akin.
Naging masaya ako sa aming pagkakaibigan ni Cris. Napunan niya ang patlang sa
aking puso. Hindi ko napansin na mas
lumalim ang aming pagkakaibigan ni Cris. Kung dati’y tuwing Sabado lang kami
nagkikita, ngayon pati sa araw ng klase kami ay magkasama, tuwing breaktime,
tanghalian at sa pag – uwi. Matiyaga niya akong hinahatid araw – araw. “Bakit
kaya niya ito ginagawa?” tanong na naglalaro sa aking isipan. Ramdam ko na
higit pa sa kaibigan ang tingin niya sa akin. Ngunit hindi ito maaari, alam ko
masasaktan kami parehas subalit iyon ang nararapat na gawin. Hindi nga lumaon
ay nagpahayag si Cris ng kanyang pagmamahal sa akin. Linigawan ako ni Cris, ito
ang naging hudyat ng pagkasira ng aming pagkakaibigan.
“Hindi pa ako puwedeng
makipagrelasyon” sabi ko kay Cris.
“Malinis ang hangarin ko sayo, sana’y
bigyan mo ako ng pagkakataon” tugon ni Cris.
“Gusto ko munang makatapos sa kolehiyo
bago pumasok sa isang relasyon. Alam mo naman yan diba?” sabi ko kay Cris.
Kasabay nito ang pagtalikod ko kay
Cris at paglayo sa kanya. Ito na rin siguro ang huli naming pag-uusap. Alam ko
na sa aking desisyon ay parehas kaming masasaktan ngunit kailangan kong tiisin
ang hapdi dahil ito ang nararapat kong gawin.
Nagpatuloy ako sa pag – aaral sa kabila ng
masalimuot na nangyari sa aking buhay pag – ibig. Nasa ikaapat na taon na ako,
salamat! Malapit na akong makapagtapos. Sa bawat kasiyahan na aking nadarama ay
may kalungkutang na katapat. Minsan dumarating ang mga pagkakataon na
ginugunita ko ang masasayang sandali namin ni Cris na magkasama. Ilang taon na
rin ang lumipas na hindi kami nag – uusap ni Cris. Madalang ko na rin siya
makita. May pagkakataon na hinahanap ko ang kanyang presensya. Naalala ko ang
mga simpleng bagay tulad ng paglibre niya sa akin sa canteen at sabay kaming
kumain. Ang pag – angkas sa kanyang motor pauwi, parang ako’y nasa alapaap
kapag kasama ko siya. “Masaya siguro kami ni Cris kung pumayag ako na
makipagrelasyon sa kanya” katagang naglalaro sa aking isipan.
Pagkakataon talaga ang gumagawa ng
paraan. May mga pangyayari sa ating buhay na darating na hindi natin inaasahan.
Pumunta ako ng paaralan tirik na ang sikat ng araw. Wala naman kaming pasok
ngunit nagmamadali ako dahil marami pa akong gagawin para sa aming proyekto.
Nakayoko akong mabilis na naglalakad. Ilang sandali pa. “Aray!” may nakabunguan
na pala ako. Pinulot ko agad ang folder na nahulog sa sahig. “Sorry Mylene!”
tinig ng lalaking aking nakabunguan. Nagtaka ako kung bakit kilala niya ako.
Tiningnan ko ang nagsalita. Nagulat ako, si Cris pala ang nakabunguan ko.
“Mukhang nagmamadali ka ata?” tanong
ni Cris. Tahimik lang akong nakatitig sa kanya.
“Kumusta ka na?” muling tanong ni
Cris. Ilang segundo rin akong nakatayo, nakatulala at nakatitig lang sa kanya.
Biglang nawala ang pangungulila ko sa kanya. Nais ko siyang yakapin ngunit
hindi maaari. Hindi ko magawa na maipakita sa kanya kung paano ako nangulila
mula noong mawala siya.
“Ayos lang” matipid na tugon ko sa
kanya.
“Tara sa canteen kain tayo” pag –
aanyaya ni Cris.
“Ah sige” pag – aalangan na tugon ko.
Nang mga sandaling iyon parang wala
ako sa sarili ko. May kung anon a nagtulak sa akin para pumayag na sumama kay
Cris. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagwa kong ito. Nais kong iwasan si Cris
ngunit andito ako ngayon kasama siya. Saya na may halong pag – aalinlangan ang
aking nadarama. Masaya dahil kasama ko si Cris pakalipas ng ilang taon na
walang kibuan ngunit may higit pa akong nararamdaman na nagpapasaya sa akin.
Pag – aalinlangan dahil pakiramdam ko dapat kong iwasan si Cris. Sa palagay ko
makakasagabal siya sa pag – abot ko ng aking mga pangarap. Sa kabila nito
nanaig pa rin ang kagustuhan kong makasama si Cris, siguro dahil matagal rin na
panahon na hindi ko siya nakasama. Muli, naibalik namin ang aming
pagkakaibigan. Ngunit sa pagkakataong ito mas naging matamis at mainit ang
aming samahan. Higit sa pagkakaibigan ang naging pakikitungo namin sa bawat
isa. Giniba namin ang pader na nakapamagitan sa amin.Nagpalamon ako sa
kaligayahan na aking nadarama. Nakakagawa na kami ngayon ng nga bagay na hindi
dapat gawin ng magkaibigan. Umabot na din kami sa kasukdulan, niyaya niya ako
sa lugar na hindi dapat puntahan. Naging panandaliang impyerno ang maliit na
silid. Humulagpos ang mga damdamin. Pinalaya ang nakakibkib na init sa aming mga
katawan. Panandaliang linimot ang mundo. Pinunan ang pangungulila sa bawat isa.
Kami ay nagpalunod sa kaligayahan na aming nadama ng mga oras na iyon.
Ngunit lahat ay may katapusan. Dumilim
ang langit at nagbabadyang umulan. Lumipas ang ilang linggo. Ramdam ko na may
pagbabagong nagaganap sa aking katawan. Madalas akong nanghihina, walang gana
kumain, nahihilo at naduduwal. Ilang araw din akong binabagabag ng mga
nararamdaman ko na ito. Kaya’t humingi ako ng tulong kay Cris. Isiniwalat ko sa
kanya ang mga bagay na nararamdaman ko.
Nagkita kami ni Cris, may dala siya na
isang putting bagay na parihaba. “Patakan mo ito ng iyong ihi” sabi ni Cris.
Walang abog akong sumunod sa utos ni Cris. Pumasok ako sa banyo para gawin ang
iniuutos sa akin. Paglabas ko ng banyo, tiningnan ko ng mabuti si Cris. Bakas
sa kanyang mukha ang takot at pag –aalala. Iniabot ko sa kanya ang putting
bagay na parihaba. Tiningnan naming ng mabuti ang bagay na iyon. May dalawang
linya na gumuhit sa gitna. Nagtinginan kami ni Cris, mata sa mata. Naramdaman
ko ang paglulumo ni Cris. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pag – aalala.
“Subukan muli natin, sandali lang bibili ako” wika ni Cris.
Agad sumakay si Cris sa kanyang motor.
Tinanaw ko siya sa kanyang pag –alis hanggang sa nawala na siya sa aking
paningin. Hinintay ko ang pagbalik ni Cris, ilang ulit din ako dumungaw sa
bintana para malaman kung pabalik na siya. Ilang oras ang lumipas habang ako’y
naghihintay kay Cris ngunit sa kabila nito hindi pa rin siya bumabalik. Umaasa
pa rin ako ng mga sandali na iyon na babalik si Cris ngunit pumasok sa aking
isipan na baka yun na ang huli naming pagkikita ni Cris. Sana’y hindi naman
bulong ko sa aking isipan ngunit ako’y nabigo. Nakaramdam ako ng awa sa aking
sarili. Alam kong ako’y mag – isa na lang ng mga oras na iyon.
Dumilim ang aking paligid. Gulong –
gulo ang aking isip. “Hindi ito maaari!” bulong ko sa aking isip. Sumagi sa
aking isipan ang mga kataga na sinabi sa akin ng punong barangay “Huwag ka lang
gumawa ng kalokohan para suportahan kita sa iyong pag - aaral”. Naisip ko rin
ang mga paghihirap ng aking ina, hindi ko kayang balewalain iyon. Hindi ako
matutulad sa aking mga kapatid. Hindi ako papaya na hindi makapagtapos. Sobrang
paghihinagpis ang nadarama ko. Napatumba ako sa kama na parang wala akong
bigat. Nakasalampak ang aking mukha sa unan at maiging nakakuyom ang aking
palad habang hinahampas ko ang aking higaan. Paulit – ulit namang sinisigaw ng
aking utak ang katagang “wala kang kwenta! Hayop ka! Hayop ka!” Kasabay nito
ang hindi ko namalayan na pagpatak ng aking luha. Binasa nito ang unan na
nakasalampak sa aking mukha.
Lumipas ang ilang linggo na dala ko pa
rin ang aking alalahanin. Hindi ko na kaya itong aking pasanin. Nakapagdesisyon
na ako.
Malalim na ang gabi. Madilim at
tahimik na ag paligid. Ang lakas ng tibok ng aking puso habang naglalakad. Dala
– dala ko ang isang itim na kahon. Humahangos kong ibinaba ito sa tambakan ng
basura. “Patawarin mo ako naging mahina ako. Hindi ko na kaya” nanginginig na
aking tinig. Nagmamadali akong tumakbo palayo. Pakiramdam ko ay may mga matang
nagmamasid sa akin. Pakiramdam ko ay napakasam kong tao. Binilisan ko pa ang
aking pagtakbo. Tinanong ko sa aking sarili “tama ba ang aking desisyon?”
"Huwag padalos-dalos sa mga bagay-bagay"
ReplyDelete"Huwag padalos-dalos sa mga bagay-bagay"
ReplyDeletemaaari nya ba po akong tulungan sa pag hahanap ng talambuhay ni RJ Madre?
Deletemaaari nyo ba po akong tulungan sa pag hahanap ng talambuhay ni RJ Madre?
Deleteano po ba ang talmbuhay ni RJ Madre??
ReplyDeleteAyon sa Wikipedia Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang "tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.
ReplyDeletesino po ang author?
ReplyDeleteSi RJ madre
DeleteAnong uri ng kwento po ba ito? Pwede ba maihahambing ang kwentong ito sa Teorya ng Feminismo?
ReplyDeletebitin yung kwento
ReplyDeleteNabitin ako.
ReplyDeletesa tingin ko ipapalaglag niya yong sangol sa sinapupunan niya. Huwag naman sana! :(
El Yucateco® | Casino Near Me - MapYRO
ReplyDelete› › Casinos › › Casinos Get 대전광역 출장샵 Directions · El Yucateco® Casino in El 광주광역 출장안마 Yucateco, CA has a casino, live entertainment, 공주 출장안마 dining, and more. Find your perfect 하남 출장마사지 stop at where everything is located Rating: 4 14 votes 안성 출장마사지