Maikling Kwento - Teoryang Feminismo - Markismo
Sa Ngalan ng Pangarap ni: RJ Madre Ngayon, isa na akong matagumpay na guro. Naiahon ko na rin sa hirap ang aking pamilya. Nakakakain na rin kami ng maayos hindi tulad dati. May kongkretong bahay na rin kami ngayon. Tawagin ninyo na lang akong Mylene hindi ko tunay na pangalan. Nais kong ibahagi sa inyo ang ilang pahina ng aking buhay kung paano ko naabot ang aking mga pangarap. Malaki ang tiwala ng aking ina sa akin na ako ang mag-aahon ng aming pamilya sa kahirapan. Hindi ko maaatim na mabigo ko siya, gagawin ko ang lahat para magtagumpay sa buhay. Tatlo kaming magkakapatid. Ako na lamang ang tanging inaasahan ng aking ina dahil ang tatay ko ay sumakabilang bahay na at ang dalawa kung kapatid ay maagang nabuntis. Parehas silang hindi pinalad sa kanilang mga kasintahan. Silang dalawa ay iniwan pakatapos ng lahat. Wala naman silang maiaambag sa gastusin sa bahay dahil kulang pa sa gatas at pagkain ng kanilang anak ang kita nila. Kaya’t nangako ako sa sarili ko na iaahon ko an...